I really love this girl anim na taon na kaming mag gf / bf maraming taon kaming pinagdaanan and take note this sobra sobra na ang problemang pinagdaanan namin pero magkasama pa rin kami at magkaramay, pero talagang marami kaming incompatibilities. Kung sa isang buwan may 4 weeks, 4x din kaming magaway sa isang buwan! Imagine Kung ilang beses na kaming nagkahiwalay pero balikan pa rin kami ng balikan. Pinag uusapan namin ang mga ayaw namin sa isat isa pero ganun pa rin balik ng balik sa dating pinag aawayan. Minsan iniisip ko na kaya kami laging nagkakabalikan ay dahil sa kailangan namin ang isat isa. Nasanay na kami na laging magkasama at tiyagaan na lang sa mga pag-kukulang namin, and syempre mahal pa rin namin ang isat isa kahit na di kami magkaintindihan sa lahat ng pagkakataon. Minsan binalak na rin naming magpakasal pero di natuloy… kung anong reason?… nagbago ang isip na! Dati sya ang may gustong magpakasal na kami and sabi ko naman hindi pa ako handa… and dumating naman ang panahon na ako ang umalok sa kanya na pakasal na kami… loko talaga… umayaw ba naman! Sus! Para akong binagsakan ng mundo nun. Anyway naintindihan ko naman yung reason nya…. Tinatanong ko ang sarili ko, bakit ganun? Sa tagal ng aming pagsasama di pa rin namin makilala ang bawat isa… sabi nya ang dami ko raw demands and nahihirapan sya. Eh konting lambing lang naman demands ba yun? Eh yung aso nga ang sarap kung maglambing tao pa kaya! Ano kaya kung yung aso na lang pakasalan ko. Ngeks!
Natatandaan ko nung nagaaral pa kami mismong barkada ko pinagsisilosan ba naman, sobrang sakal ako nun and nag break kami pero bumalik pa rin ako at nagpasakal ulit! Sabi ko "I rather have bad time with you than good time with someone else" naks naman. Hehe… iniisip ko lang, kung ngayon nga away kami ng away… eh pano kung kasal na kami? Ganun pa rin ba lagi? Away dun away dito? Baka dumating ang panahon na sawa na kami at hiwalayan din ang katapusan.
Is she the right girl for me? I dunno talaga… mismong horoscope nga eh talagang di kami bagay. I tried to let go pero masakit talaga and sa totoo lang mahal ko sya and I know that she loves me too but the worst thing is we are "Aso’t Pusa"
No comments:
Post a Comment