Kompyuter wan o wan, Beysik kompyuter
Ewan ko ba kung bakit pagdating sa kompyuter eh wala ako kaalam-alam. Bobo na ko sa ropor lagi pa ko taga bura ng blak bord. Isang daang porsyento ang ayy Que ko sa kompyuter pero belo si lebel!! Sadyang di ko natutunan ang kompyuter dahil na siguro sa madaming kadahilanan. Marahil una na rito ay wala akong kompyuter na sabdyek nung hay skul dahil sa pampublikong paaralan lang ako nagtapos. Klasrum nga kulang ang eskwelahan namin kompyuter pa kaya. At ikalawa mas gumaling ako sa kompyuter na maghuhulog ka ng piso tapos pipindutin mo ang buton para makapamili ka ng laro. Ang daming larong pedeng pagpilian…. tetris, batel siti, bamer man, pakman, walang kamatayang super Mario……….. at madami pang iba… Siguro nung taym na yun di pa ganun ang dimand para pag-aralan at kompyuter. Pero kahit papano di naman ako sobrang mangyan sa pisi. Nakagamit din ako nito nung hayskul ng gumagawa kami ng riserts peyper. Yung isang kaklase ko kasi ay pinagpala, kahit nung mga panahon na yon, nun ko pa lang nadidinig ang salitang kompyuter eh meron na sila. Siya ay isang heredero!! Galing sa maharlikang angkan. Dito namin ginawa ng mga kaklase ko ang aming riserts pero syempre bago ang riserts laro muna ang una. Tsaka na ang riserts tagal pa naman bago ipasa. Kaya endyoy to da maks kasi di ko na kailangan pang maghulog ng piso. Libre pa meryenda, sesto at tinapay na may palamang pinat bater. Panalo!!!
Kompyuter wan o wan!! Beysik kompyuter!!!!! Kaledge na ko!!! Yan ang sabyed ko tuwing ala-una hangang alas dos y medya lunes, miyerkules at biyernes kaya lang kapag biyernes lagi ako may sakit. Unang araw ng klase ko sa kompyuter kaya maaga ako. Syempre dapat pumasok para maibigay kagad ang klaskard at ng makilala kung sino ang titser. Mahalaga na malaman kung sino ang prop mo dahil baka kasamahan sya ni bin laden na isa palang terorista eh yari ka. Gumawa ka na ng paraan na mailipat ang sabyek mo sa ibang oras at sa ibang titser para di ka magsisi pagdating ng paynals!!!
Hintay ko ang prop ko dumating. Dahil sa irregular ako, eh wala pa akong kaututang dila sa klasrum, pakyut lang muna at naghahanap ng kaklase na may pigura. Maya maya dumating na din ang prop namin. Syempre pinintahan ko muna na parang baraha!! Kumbaga sa madyong sinalat ko kung stik o bols!!! Sa tagal ko na nag-aaral at dito na din kumupas ang aking maong, bihira na ko sumablay sa pagbikas sa mga guro. Ayos toh bata pa!! Kagagradweyt lang hula ko!! Kasi mas may edad lang toh ng konti sakin sa palagay ko. Pero tahimik lang ako. Ok nga ang arayb nya! Naka as long as lib at meron pang nakabigting nektay sa kanyang leeg. Pormal na pormal. Piling ko lang na nahihirapan sya huminga dahil sobrang sakal yata ng kanyang nektay!!! Pede din na di pa sya sanay magsuot ng ganung klaseng damit. Ok na sana Para
Lagi ako maaga at present sa kompyuter klas hindi dahil sa paborito ko ang sabdyek kundi dahil sa erkon ang klasrum namin. Malamig baga at masarap matulog. At saka gusto ko lang isulit ang bayad ko sa lab. Mas mahal ang singil sa kompyuter sabdyek kumpara sa iba dahil kasama yata sa binayaran ko ang pambili ng kotse ng din namin. Kaya gusto ko lang sulitin. Maaga ko pumapasok at huli ako lumalabas. Di pa din ako ganun kainteresadong pag-aralan ang sabdyek pero nakikinig ako at nakakasagot. Sariling sikap kasi ko sa seksyon na toh dahil ireg. Dito ko natutunan na ang kompyuter eh may sentral prasesing yunit, monitor, kibord hindi pyano, may hardweyr, may mows, at sopweyr, at kung anu-ano pa……. Nagdaan din pala sa mahabang ibulusyon ang kompyuter bago tinawag na kompyuter at bago nagging isang ganap na kompyuter na katulad ng pisi na ginagamit mo ngayon sa pagbasa ng kwento ko. Nagsimula daw sa abakus na pinaniniwalaang naimbento ng mga Babilonian nung unang panahon at sinasabi din na ang mga Intsik ang unang nakaimbento nito. Sino man sa kanila ang totoong nakaimbento ng abakus ay hindi ko alam. Pinaunlad ng panahon at dinibelop ng iba’t-ibang tao. Napakaraming pangalan ang tinalakay namin pero isa lang yata natandaan ko si Charles Babbage lang. Kung sino si Charle Babbage ay nalimutan ko na. Mana pa si Charles Barkley kilala ko, (sikat na NBA player na hindi nakatikim ng tsyampionship ring). Kahit skul bukol ako sa sabdyek may pumasok din sa kukote ko kahit pano. Dito ko unang nakaranas na mag internet dahil pinayagan kami ng titser namin. Tinatamad siguro mag turo kaya pinag internet nalang kami. NBAdotkom nga ang unang kong sayt na pinuntahan dahil yun lang ang alam ko bukod sa yahoo. Si Michael Jordan pa nga ang nakita ko. Pero nung nabuksan ko na ang sayt ay taym na pala. Tagal kasi mag-sip nung pisi. Kailangan ko na uli isara. Bobo pa ang kompyuter nun. Pentium poynt por inutil insayd (kung meron mang ganito) pa yata ang gamit naming di tulad ng mga kompyuter ngayon. Pero ok lang ekspiryens ba. Atlis nakapag internet na ko por da perstaym. Tao na ako!!!
Kung sating histori ay sinasabing nagkaroon ng iston eyds at ays eyds siguro ngayon pede nating sabihin na kompyuter eyds na. Halos lahat ng bagay sa paligid natin ay may kinalaman sa kompyuter di man direkta. Ang laking tulong ang naibigay ng kompyuter sa buhay natin. Sa larangan ng medisina, komersyo, transportasyon, sa komunikasyon etsetera etsetera….. Ang daming bagay na napadali at napabilis ng dahil sa kompyuter. Pagsamahin ang kompyuter telepono at network na magbibigay ng serbisyong internet isang klik lang meron ka ng instant na mata at tenga sa buong sulok ng ert. Pede mo nang makausap ang mga mahal mo sa buhay at kaibigan sa iba’t-ibang panig ng mundo. Kahit nga ang mga di mo ka kilala pede mo maka-tsikahan. Kung ikaw ay may amoy sa kilikili at walang gustong makipagkaibigan sayo at lis kung meron kang pisi magagawa mo pa ding makipagkaibigan. Sa kompyuter di nila malalaman na meron kang putok. Galing ano!!! Kahit na palaaway ka sa totoong buhay magiging prendli ka kapag meron kang prendster. Minsan nga kahit di magkakakilala eh magkakaibigan sa prendster. Kaya kung hindi mo ko kilala at nabasa mo ang kwento ko pede tayong maging prend sa prendster at magsabihan ng kras!!!! Wag ka mag-alala wala akong putok at hindi ako palaaway!!!
Nang dahil sa kompyuter pede mo ng mahanap ang lahat ng impormasyon na gusto mong malaman ng hindi na tumatayo sa kinauupuan mo. Di mo na kailangan pang magtungo sa laybrari at malito sa paggamit ng kard katalog upang mahanap ang libro na gustong mong basahin. Di na kailangan ng nanay mo na kumuha ng hulugan na ensayklopedya sa mga bumbay dahil ang lahat ng nilalaman ng mahigit sa dalawampung bolyum ng ensayklopidya ay nasa isang sidi lang. Kung nagkakahalaga ng libo ang isang set nito, sa murang halaga makakabili ka ng ensayklopedya sa mga kababayan nating muslim sa bangketa may pasunod pang empitri.
Nang dahil din sa kompyuter ang daming kartero at mangagawa sa upisina ng pos opis ang nawalan ng trabaho. Ang laking porsyento kasi ang nabawas sa mga nagpapadala ng sulat. Lahat dinadaan nalang sa i-meyl. Mabilis daw kasi at dumadating ng tama sa oras. Kung sabagay malaki ang punto. Nangangahulugan lang ng hindi pala lahat nagging positibo. Meron din palang negatibo ang kompyuter. Madami din kasi ang nagging tamad lalo na sa mga estyudyante. Halos di na pinaghihirapan ang mga impormasyon na dapat matutunan. Bakit ka pa nga ba maghihirap kung meron naman sa internet? Kung sabagay tama din sa kabilang banda. Madami din ang nagging adik ng dahil sa kompyuter, hindi adik sa mga ipinagbabawal na gamot kundi nagging adik sa paglalaro ng mga network geyms na umuubos ng sampung oras o mahigit pa sa isang araw. Ang iba naman ay nagging adik sa tyat. Kung sabagay di naman natin sila masisi lalo na ang mga kababayan natin na nasa ibang lupain kung maadik sila sa tyat. Pampalipas oras lang at pampawala ng lungkot. Ang kompyuter nalang ang takbuhan kung ikaw ay homsik. Wag na natin silang sisihin dahil isa din ako sa mga adik!!!!
Nakakabilib hindi ba???? Dahil sa pinagsamasamang talino, senysa teknolohiya atbpa….. nakagawa ang tao ng HIGANTENG PAG-UNLAD at MALAKING PAGBABAGO. Marahil malapit ng maabot ng tao ang kasukdulan ng talinong hinahangad. Halos wala na ngang imposible sa ngayon. Lahat na kayang gawin. Sana sana
Sa ngayon meron na akong sariling kompyuter!! Madami na din akong natutunan sa paggamit nito. Sa katunayan, madali kong naisulat ang kwentong ito sa pamamagitan ng kompyuter ko. Bobo man at matagal mag-isip ang kompyuter ko, ok lang mahal ko na toh. Halos katabi ko na nga sya sa pagtulog at isa sa mga bagong bespren ko!!!!!!
No comments:
Post a Comment